Surprise Me!

Unang Balita sa Unang Hirit: JULY 25, 2025 [HD]

2025-07-25 81 Dailymotion

Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 25, 2025

- Mga bato at buhangin na hinihinalang mula sa Bulkang Mayon, humambalang sa kalsada | Mga residenteng na-trap sa bahay dahil sa baha, ni-rescue | Malalakas na alon, namerwisyo sa mga residente at mangingisda

- Posibleng pagtama ng Bagyong Emong, pinaghahandaan din ng provincial gov't ng La Union | Mga sasakyang pandagat at mga mangingisda, bawal munang pumalaot dahil sa masamang panahon

- Mangingisdang tinangay ng malakas na alon, nailigtas

- Bureau of Immigration, nagbabala vs. scammer na nanghihingi ng donasyon para sa mga nasalanta ng masamang panahon

- Laguna Lake Development Authority: Water level sa Laguna de Bay, lumampas na sa critical level dahil sa sunod-sunod na pag-ulan | Mga mangingisda, patuloy sa pagpalaot sa kabila ng masamang panahon | Ilang residente ng Brgy. Parian, ayaw iwan ang kani-kanilang bahay kahit masama ang panahon | Baha, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa Manila-Calamba Road | Tubig mula sa Laguna Lake, pumasok na sa Manila East Road nat'l highway; mga motorista, nahirapan sa pagtawid

- Navotas, nasa state of calamity dahil sa epekto ng Habagat at high tide | Barangay San Jose, isa sa mga matinding binaha sa lungsod dahil sa habagat, high tide, at nasirang riverwall

- Trabahador, nasagip matapos matabunan ng landslide ang kanilang barracks; isa niyang kasamahan, nasawi | 2 pang trabahador, patuloy na hinahanap

- Malakas na ulan at hangin na dulot ng Bagyong Emong, ramdam na sa Zambales | Storm surge warning, itinaas ng PAGASA sa buong Zambales; malalaking alon, inaasahan | Kabuhayan ng mga residente sa Brgy. San Nicolas, apektado ng baha | San Antonio MDRMMO: Mahigit 1,300 na pamilya, apektado ng baha; halos 300, lumikas | Olongapo-Bugallon Road, binaha dahil sa pag-ulan; daloy ng trapiko, apektado | Ilang lugar sa Olongapo, binaha dahil sa ulan na sinabayan ng high tide; mahigit 700 residente, lumikas

- Malaking puno at bato, humambalang sa Kennon Road | Mga residente, nangangamba na magkaroon muli ng rockfall at landslide

- Occidental Mindoro, isa sa mga napuruhan ng malalakas na ulan

- PBBM, bumisita sa mga lumikas sa iba't ibang evacuation centers

- OVP, namahagi ng relief goods sa mga nasalanta sa NCR, Northern Luzon, at Western Visayas

- Ilang barangay sa Balanga, binaha dahil sa pag-ulan na sinabayan ng high tide | 358 pamilya, inilikas dahil sa masamang panahon; supply ng relief goods, sapat pa naman, ayon sa CSWD

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.